Monday, May 6, 2013

ELEKSYON

Bakit ba sa panahon ngayon ay tila walang tabas na patayan ang nagaganap na may kinalaman sa elekyon?. Bakit ba ang hangad ng ating mga namumuno ngayon ay makakuha ng pwesto sa gobyerno? Gusto ba nila ng kapangyarihan?

Ako'y isang hamak na mag-aaral lamang sa isang unibersidad dito sa Pilipinas.. ako'y palaging nagtataka, nagtatanong kung bakit bakit may karahasan tuwing sasapit ang panahon ng eleksyon. Sa aking pananaw, di naman masama maghangad ng kapangyarihan kung di lang tayo gagawa ng karahasan sa iba para makalamang.

Habang tumatagal lalong sumasama ang kalagayan natin dito sa Pilipinas. Bakit ba palaging sinasabi ng mga kandidato na "ito ang simula" kung wala namang sinimulan at natatapos?.

Ang hamon ko lang sa ating Pangulo na sana, Maging mapanuri sa iyong nasasakupan baka sa huli, ito ang magiging daan na ika'y magsisi sa huli..

Dapat maging TAMA, "SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA"

-Ako'y Pinoy